Tuesday, July 6, 2010

PAALAM ( A Tagalog Poem)

Patawarin mo ako sa aking pagtataksil,
Sa iyo at sa lahat ngmga kaibigan natin.
Hindi ko nakayang panindigan ang aking mga salita.
Akoy' inyong patawarin.

Kung ako may napagpasyahan nyong kalimutan,
ayos lang! Nang di na kayo masaktan.
Mas mabuting ako'y mawala kaysa kayo'y saktan.
Kaya patawad at paalam.

Ninanais ko sana'y magkita pa tayo muli,
Ngunit ito'y hindi na maaari.
Pagkat sinira ko ang ating sumpaan;
Na maging magkaibigan magpakailanman.

Salamat sa mga alaala na inyung inalay.
Sumigla ng kaunti ang aking buhay at nagkakulay.
Sa mga kwento't tawanan, sa mga lihim na iyakan at hidwaan.
Kalimutan nyo na ako, iyo'y dapat lang.

Hayaan nyo man lang sanang sambitin ko ang mga ito
Nang sa gayo'y mabawasan kahit katiting itong dinadala ko.
Dahil hinding - hindi ko kayo makakalimutan,
Saan man ako dalhin nga aking dinadaan.

Ayos lang! Kung ako'y inyong iwan,
Pero sana'y gawin lang itong maliit na pabor
Alang-alang sa aking katahimikan.
Magpakasaya kayo, matuwa't magalak, kumanta, sumayaw
Pagka't ako'y lilisan na at di na magpapakita pa.

Ngunit huwag sana kayo'y masaktan,
Pagkat wala ako sa tabi nyo upang pawiin iyong mga luha
Ni hindi ko kayo mahahawakan at maalalayan,
Pagkat ako'y lilisan at hindi na muling magbabalik.

Maging masaya kayo,
Magayak, matuwa
Ayos lang! Magsaya kayo sa aking paglisan
Mahal kong Kaibigan.!